“Kung TAKEN ka AMININ MO! Hindi yung nakadepende yung sagot mo sa itsura ng NAGTATANONG sayo.”
Naka-encounter ka na ba ng ganitong tao? Opo madalas mangyayari yan sa totoong buhay. Hindi ko alam kung bakit pero may mga ilan na ganian ang gawain. Meron kasing iba dyan na may tinatagong kalandian din, na pag may nakipag-flirt sa kanila na Single, maganda at gwapo ang itsura… ayun nag-aala SINGLE bigla ang status. Siguro sila yung mga taong hindi alam ang salitang KUNTENTO.
Sana man lang bago niyo gawin yan, isipin muna ang mararamdaman ng inyong karelasyon. Aba! masakit ata ang maloko ng hindi mo nalalaman. Dadating din ang time na makakarma din kayo sa ginagawa niyo, yung tipong lahat ng ginagawa niyong panloloko ay babalik din sainyo. Kaya isip-isip din. Mas masarap ata magmahal ng walang halong panloloko.
Madaming tao ngayon na pag nabigo minsan sa Pag-ibig eh natatakot ng magmahal. Nakakalimutan ng buksan ang puso dahil takot na muling masaktan. Yung iba nga dyan nagpapaka-bitter. Yung dating sweet, cheesy, at korny na sarili eh napapalitan ng ugaling ampalaya. Oo, madaming ganian. Uso daw ang salitang bitter sa taong sawi sa pag-ibig. Nooooooooo! Wag ganian, HINDI INUUGALI ANG AMPALAYA!
Lahat naman siguro tayo ay dadaan sa sakit. Kasi kung hindi ka masasaktan paano ka tatapang? Paano ka magiging malakas? Paano ka magpapakatatag? Mabuti rin na ma-experience mo ang mga kabiguan para sa gayun eh matuto ka.
Kaya may mga relasyon na hindi nag-work kasi nga meron pang higit na dadating para sa’yo. Yung taong mamahalin ka talaga ng buong puso. Kaya nauso ang break-up kasi para mahanap mo yung kapares ng puso mo. Para pag sa susunod na magkaroon ka ng karelasyon alam mo na ang tunay na kahulugan ng salitang LOVE.
Huwag kang matakot na magmahal, kung nabigo ka man sa una, sa pangalawa, sa pangatlo, at sa kahit anong number pa, malay mo sa susunod eh mas okey na, mas higit pa. PROMISE.. Masarap magmahal, MANIWALA KA.
“When love disappoints you.. dare to love again. Avoid being bitter and dare to make it more better like a new chapter.”
“Hindi Lahat Ng Mga Lalaki Ay Pare-Pareho.”
Naniniwala ako sa salitang ito. Kasi masasabi mo ba na lahat sila pare-pareho lang? Teh bakit natikman mo ba na silang lahat, nai-serve na ba sila sa isang buffet na napuntahan mo at eat all you can ang ginawa mo? Naumay ka ba sa sinerve na menu at ito ang nasabi mo?
Oo andiyan na tayo sa puntong may mga ibang lalaki na ang ginawa eh… NILOKO ka, SINAKTAN ka, PINAGLARUAN ka, PINAASA ka, BINOLA ka, PINAG-MUKHA kang TANGA pero hindi sila lahat PARE-PAREHO. May mga kilala pa din ako na MATITINO, MARESPETO at MAMAHALIN KA NG TOTOO.
Hindi porket minsan ka ng nasaktan at naloko eh mag-iiba na ang pananaw mo sa mga lalaki. Magpapaka MAN-HATER ka? Magpapaka BITTER KA? Oh My Gee!!! Sinong niloko mo? Relax ka lang teh, masarap pa din ang kiligin, ang mainlove, ang mangarap ng Happily Ever After, ang may matawag na Baby Boy, Honey Love, Sweetie Pie, Baby Boo at ang magkaroon ng Prince Charming.
Inabot ka man ng kamalas-malasan sa mga lalaking nakilala mo na BABAERO, PAASA at MANLOLOKO, naniniwala pa din ako na may makikilala ka pa din na isang lalaking magpaparanas sa’yo na HINDI LAHAT NG LALAKI AY PARE-PAREHO.
“Today I realized I won’t be making any vows in my wedding… Because this is not the day for promises. Today I stand here in front of you in complete surrender. I have no worries. I am sure I’m yours. “
—- Miggy Montenegro (It Takes A Man And A Woman)

DATI vs. NGAYON
Kapag ang babae nasaktan, asahan mo magbabago ang lahat.
»> DATI, kapag nag sorry ka ng isang beses, okay na ang lahat.
NGAYON, natitiis ka na niya.
»>DATI, kapag hindi ka nagparamdam, hahanapin ka niya.
NGAYON, kapag di mo siya tinext, okay na sa kanya.
»>DATI, kapag may kasama kang ibang tao at hindi mo sinabi sa kanya magtatampo siya.
NGAYON, wala na siyang paki kung sino pa kasama mo.
»>DATI, kapag monthsary niyo, uunahan ka niyang batiin ng 12:00 midnight. Aantayin niya, magpupuyat siya, gagawa siya ng post para sa’yo.
NGAYON, hindi na niya hinihintay yun. Hayaan na lang niya na lumipas ang araw.
»>DATI, kapag may ginawa kan maliit na bagay para sa kanya, kinikilig na siya agad.
NGAYON, hindi na siya kinikilig sa mga banat mo.
»>DATI, ikaw nagpapangiti sa kanya at ikaw ang bumubuo ng araw niya.
NGAYON, hindi na.
Kapag nasaktan na siya. Kapag nagawa na niya ang lahat para sa’yo at nabalewala mo na lahat ng sakit at sakripisyo niya, wag mo siya habulin. Sa panahon na ma-realize mo na kailangan mo siya, siguraduhin mo. Siguraduhin mo na aayusin mo na ang lahat. Siguraduhin mo na aalagaan mo na siya. Pero tanggapin mo na magbabago siya. Na, hindi na siya tulad ng dati. Na, hindi na siya yung dating patay na patay sa’yo at habol ng habol sa’yo. pero siya na yung sinaktan mo at ingat na ingat na pagkatiwalaan ka ulit.
** NOTE: Repost only. Copy. Paste. Credit to the owner.
